Saging lang ang may Puso
April 25, 2009
Oo, inaamin ko SAging lang KAMI pero maghanap ka ng puno sa buong Pilipinas, Saging lang ang may Puso! SAGING lang ang may PUSO!
Matagal ng bulong-bulungan sa ating bansa kung ano ang pinagmulan ng saging at bakit ito nagkaroon ng puso. Sa isang pelikula ni Mark Lapid na pinamagatang Apoy sa Dibdib ng Samar inamin niya na isa siyang saging at kahit na saging siya, ang saging lamang ang tanging gulay na may puso .
Kung iisipin natin, tama ang kanyang kuro-kuro niya sa mga bagay - bagay. Masarap ang saging mayaman ito as Potassium, Vitamin B6, Carbohydrates, Folate at iba pa. Mahilig nga ako sa saging kapag kumakain kami dapat palaging may saging. Tuwing kumakain ako ng saging parang lumalaki ang ang aking pus. Parang nadaragdagan ito. Dahil saging lang ang puso.
Pero bukod sa saging marami pa akong prutas na gusto. Gusto ko rin ng kasoy. Kasi sa lahat ng pagkain ito lang ang may ulo kaya parang lalong lumalaki ang ulo ko. Mahilig din ako sa pinya dahil ito lang ang may korona. Pakiramdam ko may korona ako kapag kumakain ako nito.
Pero wala pa rin makakatalo sa saging dahil magahanap ka ng prutas sa pilipinas saging lang pwedeng gawing banana cue. Kahit merong barbecue o camote cue wala paring makakatalo sa original na banana cue.
Marami na ring palabas sa telebisyon ang tungkol sa saging tulad ng Bananas in Pajamas (B1 at B2) ang bida dito ay mga saging na tulad natin ay may puso. Maraming kaibigan na oso at kahit masama ang ugali ni doding daga ay pinapakisamahan nila pa rin.Isa ito sa makakapagpatunay sa sinabi ni Mark Lapid.
Ang isa pang palabas ay ang Goin bananas. Hindi ko na naabutan ang palabas na ito. Pero ang pagkaintindi ko sa title ay ninanais nilang maging saging at malapit na sila sa pag-abot ng kanilang pangarap na maging saging. Matutunan natin na kahit na tao tayo at mayroon ng puso mayroong parte ng ating katawan ang nagnanais na maging saging.
At isa sa pinakabagong palabas tungkol sa saging ay ang banana split. Isa rin sa bida dito ay si Chrstine Reyes. Siguro hindi nakuntento si Christine sa pagawa ng pelikula sa saging kaya nagkaroon din siya ng palabas na banana split. Ang paghahati ng saging… Siguro nagkaroon na si Christine ng super powers sa saging kea nakayanan niya ng magsplit.
Enough! Saging lang ang may puso!
bwahahahahahaha




