Home » Archives » 26. April 2009
The only thing that separates a dream from an escape is that after you dream you can return to reality in anytime but in an escape you have to swallow your pride before you can come back

SM

April 26, 2009
Nalulungkot ako dahil hindi pala dito pwede mag sulat ng letter “enye”. Nakakalungkot kasi nung pagkapindot ku ng alt + 164 biglang nawala lahat ng tinype kuh kanina… Aalalahanin ku na lang yung sinulat kuh kanina.
 
Halos UMC - BAHAY - UMC na nga lang routine ko sa araw-araw.Medyo nagsasawa na rin akong makita ang overpass na may elevator at overpass na laging walag dumadaan, magbigay ng piso sa batang tomboy na may  kapatid na may cleft lip, magtampisaw sa tubig ng kadiwa park at magpalamig sa SM. Wala akong magagawa 2 subjects ang kailangan naming kunin ngayon summer. Fundamentals of Nursing (tapos na TOH!) tsaka Fundamentals of Nutrition. Sa Fundementals of Nursing ay matututunan mo ang tamang PAGTUSOK ng injection at sa Nutrition naman ay matutunan mo ang tamang PAGLABAS ng pagkain. Pagkatapos ng summer, pwede na akong maging Chamber Maid ( taga-ayos ng kama), Yaya (taga-paligo hanggang perineal care), Waiter at Chef (tagaluto ng pagkain with lecture sa high fat diet.
 
Pero hindi naman yun ang reason kung bakit ako nagsulat dito. Gusto ko lang sana sabihin yung nangyari sa akin last April 24. Ito yung araw kung saan ang plano ko lang sana ay magpapirma ng letters kaso nauwi sa pagpapaghupit ko ng buhok at pagbubungee trampoline ko! OO BUNGEE TRAMPOLINE. Kapag bumili ka ng green bag for only P35 pwede ka ng magbungee trampoline. Ansaya di ba? Nakatulong ka na sa environment nakatalon ka pa mula 1st floor hanggang 3rd floor. Sa pagtalon ko nga parang sabay na ring tumalon yung puso ko. Sobrang kakakaba. Nung nasa taas ako hindi ko naramdaman yung sarap eh. Naramdaman ko yung takot ng pagbaba. Mahirap kasing bumababa kapag nasa taas ka na. Pero sabi nga ni Alicia Keys “What goes up must come down”. Kasi kapag nasa tuktok ka na, wala ka ng ibang pupuntahan kundi pababa. Goodbye na lang sa iyo. Kaya nga natakot ako. Kasi ayokong bumababa. Gusto ko sa taas lang ako. Ang saya sa taas. Ang bigat sa baba.
 
Sunod naman na pagpunta ko sa SM ay kanina. Nonood sana ako nung taekwando ni dadaw. 4th time niya pa lang magtraining as a taekwando member pero sa sm agad siya diba? Shala. Masaya manood ng sipaan, tadyakan at iyakan kasi matakit. Pero mas masaya ang experience namin after. Meron pa lang Musikaraband powered by PLDT MY DSL. Nandoon ang Roots of Nature (band na may lead vocalist na chubby rasta), Letter day story (nanalo sa nescafe soundskool! galing nila nakuha nila yung attention ng audience. whoohoo), Moonstar 88 (ito lang ang bandang plano naming panuorin. galing ganda ng boses. lurve it!) at Cueshe (hindi ko pinanonood. haha umuwi na kami). Masaya yung mini concert dahil namimigay sila ng prizes. Nanalo nga ako eh. Nanalo ako ng payong, papel at cd holder ba yun?. Sinagot ko kasi ang tanong sa tulong ng taong nagtanong. Naawa kasi ako kay ate parang walang gustong makicooperate kea larga ako doon. kamukha ko nga daw si Isabel Oli? haha. musta naman? Baka Isabel Oily? Hindi ko pala siya gaano naappreciate. Pano ba naman si Dadaw napaingay, iyak ng iyak. 
 
hmmmn…
NUTRI na tom!
nyt nyt.
chow 
Posted by neecelya at 10:45 pm | permalink | Add comment